Special child Scribbled by Rolly B. Caidic
Naantig ako sa kanyang kwento tungkol sa mga batang special, na hindi ko lubos maisip na may tao pang tulad nya. Kasi halos karamihan ng tao pag nakakita ng tinatawag nating "Special Children" ay pinagtatawanan at sinasabihang "abnormal" ngunit di ba natin naiisip na tulad lamang din natin silang mga normal na tao, nasasaktan, nagmamahal, umiiyak, masaya, kung ating iisipin hindi sila iba sa atin dahil sa mundong ibabaw tayo'y pare-pareho.
Bilang magiging guro ng mga batang special masayang marinig sa isang tao ang ganito;
"Binago ng mga batang ito ang pagkakilala ko sa nakakahong pagtingin sa kanila.. Dapat pa rin ba silang tawaging abnormal kung gayong di sila nalalayo sa ating aspetong emosyonal? Sapat ba silang kaawaan na lamang at huwag pahalagahan?
Hindi sapat na husgahan sila sa kanilang kakulangan sa pisikal at kaisipan na kalagayan.. Bagkus laliman pa natin ang ating pagkilala sa kanila at nararapat lamang n tuklasin kung ano ang dapat nating pahalagahan at pagyamanin nilang natatanging talento at kakayahan..
Normal tayo sa sa mga pisikal na aspeto at kahit sa pag - iisip, pero yan lamang naman at kaibahan natin sa mga bata o taong special kaya marapat natin silang igalang at di dapat palagi na lamang kutyain kasi di naman nila ginusto na maging ganun sila. Sabihin na nating nagkataon lang na ganun sila pero hindi nila ginusto yun.
I hope marami pang katulad ni Rolly B. Caidic, na nagpamalas ng paghangan sa mga SPECIAL CHILDREN.
I admire him.
No comments:
Post a Comment