Ako ay isa lamang tao na may simpleng pangarap sa buhay. Isang taong may mataas na hangarin at pangarap na nais Katina at pagtagumpayan. Marami akong nais makamit na sapanghinaharap ako ay maipagmamalaki.
Isa akong tunay na Caviteno na may pusong matatag, matibay na loob at mataas ang pagarap. Sa aking mundong ginagalawan, maraming hadlang at balakid sa aking landas na tinatahak. Mga taong hindi nagtitiwala sa aking kakayahan at mga problemeng iniisipn ko na hindi ko agad masusulusyunan. Sa kabila ng lahat, nananaig at nangingibabaw ang tapang at lakas ng aking loob na maging matatag sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng sitwasyon. Marami ang naniniwala at ngtitiwala sa aking kakayahan, gamitin ang talentong binigay sa akin at abutin ang matayog na pangarap sa buhay.
Sa aking pagtahak sa aking mga pangarap, marami akong nagging sandigan, Mga taong lubos na nagtiwala at mga taong labis na nagparaya. Mga taong nagbigay at mga taong aking nagging sandalan Sa mga oras ng aking kabiguan. Sa inyong lahat nais kong magpasalamat dahil sa ibinigay ninyong tiwala at pagmamahal.
Una, sa aking mga guro na nagbigay ng dunong at paalala sa akin. Sa pagbabahagi ng inyong kaalaman na lubos na nakatulong upang mahubog ang aking kakayahan at karunungan. Sa mga salitang inyong binibatawan na lubos na nagpatibay at nagpapatatag sa aking kalooban. Sa mga pangaral na labis na nakatulong sa paghubog ng aking katauhan. At sa pagtitiwalang makakamit at mapagtatagumpayan ang nga pangarap naming sa buhay.
Sunod, sa aking mga minamahal na kaibigan. Na akin ding kapamilya. Sa lahat ng mga pagkakataon nakabukas ang intyong pintuan para ako ay tulungan at damayan. Hindi lamang kayo nandiyan sa oras ng kasiyahan, pati nadin sa oras ng kalungkutan, lagi kayong nadiyan para akoy alalayan. Salamat sa mga tawanan at halakhakan na inyong ibinabahagi na lubos na nagpasaya at sa akin ay nagpangiti. Salamat sa mga pangaral kung hindi ko inisip ang aking mga sinasabi. Tunay ko kayong kaibigan. Salamat sa mga oras ng lokohan at mga oras ng pikunan na labis nating pinahalagahan. Sa lahat ng away na agad nating nalalampasan. Sa mga okasyong ating dinadaluhan, Tayo ay hindi mapaghihiwalay, Anumang landas ang tahakin natin, tayo ay pagbibigkisin ng iisa nating damdamin. Anuman ang sari- sari nating landasin, iisa lamang ang alam natin. Tayo ay buo at may iisang puso. Tunay na kaibigan walang iwanan. Mahirap man o mayaman, ang mahalaga ay tayo ay ngkakaunawaan at tayo ay nagmamahalan.
Sa aking pamilya,magulang at kapatid, mga minamahal ko sa buhay. Kayo ang aking nagging inspirasyon. Kayo ang nagbigay buhay sa aking mga pangarap. Kayo ang dahilan kung bakit ako ay nagsusumikap at kung bakit nais kong maging matagumpay, Sa lahat ng inyong kabaitan at pagtitiyaga, gusto ko itong suklian ng mas higit na kabutihan. Sa inyo nagmula at nag-ugat ang aking kakayahan na lubos na humubog sa aking katauhan. Kayo ang labis na nagtiwala sa aking kakayahan at labis na nagpahalaga sa aking mga nakakamit at napagtatagumpayan. Kayo ang nagsisilbing ilaw upang muling lumiwanag and dumidilim kong mga pgarap. Ilaw na nagbibigay ningning at halaga sa aking buhay. Ilaw na kumikislap kapag tayo ay magkakaagapay at ilaw na maliwanag dahil tayo ay laging sama sama ta maligaya. Kayo ang aking saklay kapag ako ay napipilay. Mga problemeng dumadating sa aking buhay lagi ko kayong kadamay. Sa mga luhang pumapatak sa aking mga mata, pinapalitan ninyo ng saya at sa mga oras na nadudurog ang aking puso, binubuo ninyo ng pagmamahal at saya. Kayo ang nagsilbing tulay sa aking mga pangarap. Sumusuporta at gumagabay sa lahat ng ginagawa sa buhay. Kayo ang nagdurugtong sa mga napuputol kong pngarap at kayo ang nagpatatag sa aking buong katauhan. Salamat sa inyo aking pamilya.
At higit sa lahat, sa ating Diyos Ama sa langit na may dahilan ng lahat ng nangyayari sa akin. Ang inyong dalawang kamay na laging nakahawak at hindi bumibitaw sa akin. Ang inyong pusong busilak at walang katulad. SALAMAT. Salamat sa pagbibigay ninyo ng kaalaman at karunungan. Sa mga blessings na inyong ginagawad at ibinabahagi. Patawad Panginoon sa mga pasakit, sa mga kasalanang aking ginagawa at sa mga salitang aking binibitawan na lihis sa inyong kagustuhan. Patawad sa mga kamaliang nakasasakit sa kalooban ng iba at sa inyong kalooban. Sa ugaling di kanais nais na nagbibigay sa aking ng di magandang pagkakakilanlan. Sa kabilang dako, salamat sa pagunawa at walang sawang pagmamasid. Salamat at patawad.
Sa inyong lahat na mahalaga sa aking buhay. Kayo ang ilaw na bumubuhay sa akin at saklay na umaagapay sa akin.
Marami akong gustong gawin sa buhay na lubos na magbibigay saya sa akin.
Gusto kong makinig sa ibat ibang klase ng musika na makapapapaantig ng natutulog kong damdamin. Musikang magpapasigla at musikang parang makapagpapalipad sa akin sa hangin. Musikang binubuo ng ibat ibang titik at tunog kahali halina na maganda sa pandinig. Musikang sinasaliwan ng himig at awit.
Nais kong maging mahusay na mangaawit, ngunit hindi ibig sa akin ng pg awit. Hehehe. Gusto kong makapagtanghal sa ibat ibang entablado kung saan kasama ang ibat iba at mahuhusay na banda. Pinapalakpakan at hinahangaan ng maraming tao na nanunuod sa aking kakayahan. Lumikha ng sarili kong kanta habang tumutugtog sa sarili kong gitara. Tangkilikin ang aking kantang nilikha at mahalin ng taong mahilig sa musika.
Lumalambot ang aking puso kapag nakakadinig ng musika na nais kong pakinggan. Nanunuod sa mga bandang aking hinahangaan at nais Makita. Gusto ko maging mahusay sa pagtugtog ng gitara. Magkaroon ng koleksyon at magamit din g iba.
Maraming mahusay na mangaawit ang aking hinahangaan. Local at International, silang sadyang naiiba. Sa husay sa paglikha at pagtugtog sa musika, sadya silang walang kapareha. Imago ay isa sadya talagang naiiba.
Avril Lavigne ang idolo, sadyang hinahangaan ko. Sa ganda niya at galing sa pagkanta, napapatayo talaga ako. Hehe. Ikay taga Napanee, Ontario. Napakalayo talaga nito.Sana isang araw ikaw ay makilala ko.
Musika ng pangarap, saliw ng awitin, tunog at kwerdas ng gitara, mga mangaawit, magagaling at mahuhusay na banda, malawak na entablado, maraming tao, at lugar na Masaya. Ito ang kabuuan ng isa sa aking mga pngarap.
Ako si JOELEN B. ATIENZA, isang taong may simpleng pngarap at bukal sa pusong pasasalamat.
No comments:
Post a Comment